Thursday, November 30, 2006

Isang Sanaysay Tungkol sa Tsina

One thing I just realized -- tamad na ako mag-blog.

Tamad na naman, hehe. Pagalitan ako ni Bok nito eh. Tamad, tamad, puro na lang tamad. Tamad magluto, tamad maglaba, tamad lumabas, tamad mag shopping, tamad kumain. Hmmm, yung last one, di ata ako tinatamad gawin yun =)

So heto yung katamaran ko...magli-link na lang ako ng blog ng iba. Hehe.

Nag train kami ng mga kasama ko mula Hongkong hanggang Shanghai, Xitang, Xian at Beijing. Sira ulo ba kami, kamo? Hindi naman. Ayon sa kalkulasyon ng kasama kong si Lala, halos 79 na oras kami nasa loob ng tren. Tatlong araw at tatlong oras ng paglalakbay sa tren na malinis at efficient.

Nakakagulat nga, at medyo nakakalungkot din. Kasi heto na naman ako at ire-relate sa Pilipinas ang estado ng mga railway sa China. Kung yun lang ang basehan, naku, kaysaya maging komunista. Malinis at efficient ang railways nila, mula Hongkong hanggang Tibet hanggang Europa kayang ilakbay. Samantalang yung mula Maynila hanggang Bikol, di natin ma-maintain. Tsk tsk. Pati nga mga normal na bahay, yung hindi naman mukhang mayaman, ay may mga solar energy panels. Nakaka-impress!

Sige, ibalik na natin sa masasayang usapan.

So mula Hongkong, nag-tren kami patungong Shanghai. Overnight ang byahe sa tren, at masarap naman ang tulog ko dun. Pagdating sa Shanghai, malamig. Naglakad kami papuntang subway station, at nag subway patungo sa titirhan naming hostel. Naligaw pa kami, dahil malayo rin pala ang lalakarin mula subway hanggang hostel. Pero maganda yung hostel. May hot water. At may view sa roofdeck!


Susunod na kabanata...Xitang...

No comments:

Popular Posts