Tuesday, November 27, 2007

Three Months


Ang bilis...dati ang liit liit lang ni Zoe, ngayon, isa na syang dambuhalang 3 month old! And yet, everyday, mas nae-excite ako na lumaki sya. Nakakatuwa pag may bagong development.

Ngayon, mas mabigat na sya, mas mabilog. Malakas sumipa. Parating hinihila pataas ang kanyang damit. Medyo nakakalbo kasi parating nakahiga sa unan, pero hopefully pag umuupo upo na sya, hindi na sya makakalbo. Malikot na rin syang matulog...paggising namin minsan, naka-ikot na ang katawan nya.

As usual, madaldal pa rin sya. Nakakatuwa nga eh. Pag kinausap mo, kakausapin ka rin.

Lately, nagdo-drool na rin sya. Tulo laway and nagba-bubbles. And natutunan na nyang isipsip ng husto ang kanyang hinlalaki!



Nakakatuwa.

Sana lumaki syang malusog at maligaya. Sana mabait sya. Sana marami pa kaming mga adventures and happy memories. Sana parati nyang maramdaman na minamahal namin sya. Sana maging mabuting magulang kami sa kanya.


Mwah.

Popular Posts