Monday, March 06, 2006

Mindboggling

Kung umaasenso ang Pilipinas, bakit parang habang tumatagal eh lalo kaming nawawalan ng tubig sa bahay?

Wala lang. Dati naman maayos ang supply namin ng tubig. Tapos nung nagtayo ng water supply business ang kapit bahay namin, biglang humina ang daloy ng tubig sa tubo namin. Eventually eh nalugi din ang kapitbahay namin, pero bago ito nangyari ay may natayong malaking WaterCare sa tapat namin. At nung nagsara ang ang kapitbahay namin, akala namin ay finally, magiging malakas na ulit ang daloy ng tubig! Pero hindi, nagkamali kami. Dahil mukhang either:

a) dina-divert ng WaterCare ang tubig namin
b) wala nang tubig sa La Mesa Dam
c) wala, imahinasyon lang namin ito

Tuwing gabi lang kami may tubig, di pa gaanong malakas ang tubig nun. Pag umaga, gapatak lang ang tubig. El nino na ba? La nina? Ano?

Wala lang. Minsan kasi mas convenient talaga pag maayos ang mga basic utilities -- telepono, kuryente, tubig. Pag ganun, minsan feeling ko parang nanalo na ako sa lotto. Ganun kababaw ang kaligayahan ko.

No comments:

Popular Posts