Wednesday, September 03, 2008

Setyembre

September na. Wala lang.

Pagod na ako. Pagod. The past few days lang. Pagod. Kailangan lang ulit-ulitin. Baka pag inulit ko, ma-realize ko di pala totoo, at ilusyon lang ang pagiging pagod ko. Pati status ko sa Facebook. Pagod.

Nag-umpisa ata ito nung nanggaling kami sa Palawan, matapos ang long weekend dalawang linggo na ang nakakaraan. Masaya naman yung bakasyon, syempre pa kasama ang pamilya at si Zoe. Pero napagod ako. Pagod. Kulang ako sa tulog nung pumunta, at di na ako nakabawi ulit sa tulog. Nung bumalik ako nawawalan na ako ng gana sa mga problema sa opisina. Naiisip ko na, ang tagal ko na dito! Pero walang katapusan, kailangan mag-trabaho. Di ka rin makaka-alis kung hindi pagbutihan. Para lang akong gulong na paikot ikot lang at wala talagang napupuntahan. Sayang naman ang treads ko!

Baka dala lang talaga ng kakulangan sa pagtulog ang nararamdaman ko. Sumasabog na ang mga kung anu-anong bagay, heto ako nagpupuyat-puyat din, pero sa loob loob ko, medyo may demonitang nagbubulong -- "paki-alam ko". Haha. Hindi nga lang ako makapag-"evil laugh" kasi nga kailangan pa yun ng effort. Eh yun nga, pagod ako. Pagod.

P.S. - mabait naman ako, at syempre gagawin ang makakaya para pagbutihan ang trabaho at pagaanin ang buhay ng mga nakararami.

Mga Bagay-Bagay na Nais kong gawin pag may Oras:
1. Mag-aral at pumasa sa isang eksaminasyon na hindi ko muna babanggitin
2. Mag-aral ng piano
3. Matulog
4. Mag-beach, Mag-bakasyon, umakyat ng bundok.

Naku, naalala ko tuloy. Malapit na ang napipinto naming pag-akyat sa Mt. Apo. Heto nga ako, pagod at physically nanghihina. Kailangan ko mag work out. Makakasama kaya ako? Abangan.

No comments:

Popular Posts