Wednesday, February 22, 2006

Para Sa Iyo

heto na naman ako.

nag aantay sa wala.

"hindi ka ba nagtataka minsan?
sino ako? bakit ako nandito?"
parati mong tanong na pabiro

pero ako, seryoso ako.
sino ako?
bakit ikaw wala dito?

bakit tila hindi dapat ganito ang ikot ng mundo ko?

o baka wala silang pakialam
ano ngayon kung mali ang ikot ng mundo ko.

"nakakainis
ang ganitong buhay,"
kanta ng yano

parang hindi na ata magbabago ang mundo ko

at ako.

kahit ilang ikot ng mundo
kahit mahilo man ako sa pagtitig sa pag-angat at pagbagsak ng buhay
kahit akalain ko na meron nagbago

sa totoo lang, wala.

ako pa rin ito
weirdo
nag-iisa.

at nag-aantay pa rin sa wala

No comments:

Popular Posts