Thursday, July 07, 2005

Ang Lamok

Ang kulit ng lamok.

Habang nakaupo ako dito, pasikot sikot sya sa may paanan ko. Nanunundot, nangingiliti.

Naaasar ako sa kanya.

At nalulungkot ako sa nangyayari sa bansa natin. Magulo, at parang walang malinaw na solusyon sa lahat ng problema. Kung boyfriend nga ito, matagal nang iniwanan at pinabayaan ang relasyon na ito.

Sa mga politiko...mahiya naman kayo. Ayusin nyo naman ang sarili nyo. Masaklap, nakakalungkot, parang wala nang solusyon ang mga problema, padagdag pa ng padagdag. Parang soap opera, may bagong plotline ulit. Ika nga ng textmate ko, "tragic". Mas exciting ba pag ganito? Sana wag maging tragedy ito...sana may magandang ending ang soap opera na ito.

Malaking usapan kung guilty nga si GMA. Malaking usapan rin kung ano ang gagawin natin kung wala na si GMA. "Last hope" daw sya, sabi nya. Last hope ba ang ganito? Nahahati ang bansa. Meron pang mga email na nagmumura sa mga masa (sulat ni
jawbreaker). At meron ding mga radio commentators na galit sa middle class at mayayaman. Nung pinag-usapan yung pahayag ng DLSU na magbitiw na ang Pangulo, ang sabi ba naman ng commentator: "Di naman sila masa ah! May masa ba sa DLSU?" (Sorry kung may ma-offend akong taga-DLSU. Hindi ako DLSU pero na-offend ako dun).

At bakit, masa lang ba ang pwedeng magreklamo? Masa lang ba ang naghihirap? Masa lang ba ang importante, dahil sila ang nakararami at sila ang mabilis bilhin? Sila lang ba ang may karapatan sa bansang ito??

Pilipino tayo lahat, mahirap man o mayaman, nasa iisang bangka tayo. Palubog na nga yung bangka, nagsisisihan pa tayo at nagtutulukan.

Tragic.

Kung dati hindi ko alam kung dapat nga bang umalis si GMA o hindi, heto food for thought.

"What political order we should have after GMA goes, we can all debate to our heart's content. What fate GMA should have, we may not. The answer is cut and it is dried."

Ano nga ba ang sagot?

Teka lang, magpapatay muna ako ng lamok.

No comments:

Popular Posts