Wednesday, October 26, 2005

Dear Ipis

Dear Ipis,

Unang una, paumanhin. Pero kasalanan mo kung bakit nakabaliktad ka sa sahig ngayon, at nagwawagayway ang mga paa mo sa ere.

Kasi nakita kitang lumilipad lipad, pero di kita pinansin. Inisip ko, live and let live diba. Hayaan na muna kita, di mo naman ako inaano. Malay mo, ma-apply ko nga ang Buddhist na pangaral tungkol sa past lives at mga ipis. Pero kasalaman mo. Kaw pa mismo ang dumapo sa may binti ko. Ginulat mo ako. Natapakan tuloy kita at napatay.

Paalam ipis. Paalam.

No comments:

Popular Posts