Thursday, November 03, 2005

Friendster Blues

Waaa!

May friendster na ang pamangkin ko. Parang kailan lang...baby pa lang sya. Ngayon high school na sya. Pero ok lang yun eh. Alam mo yun, parang may distinction pa rin sa mundo nya at sa mundo ko. Kaso, heto sya ngayon, nag-iinvite na sa friendster. Grabe, ang bilis ng panahon. Dati may lampin lang sya, ngayon, ka-friendster ko na??! Parang...bigla ko lang na-feel ang generation gap. Tsk tsk. Either yun, or bigla kong na-feel na kelangan kong maging super cool na tita para maging ka-friendster nya. Haha.

Wala lang.

Isa pang "tsk tsk"...yung isang kaibigan ko, itago na lang natin sya sa pangalang Z (lalake). Si Z may gusto kay C (babae), pero si C parang may gusto kay G (lalake). At si G, parang may gusto rin kay C! So kawawa naman si Z diba. Pero parang may girlfriend si G eh. Pero parang hindi rin. In any case, kakabasa ko lang ang friendster testimonial ni G para ke C. Tsk tsk. Mukhang nauunahan na ni G si Z kay C. Wala lang, bigla lang akong nalungkot para ke Z. Nagseselos talaga tuwing nakikitang magkasama si G at C, which is mas madalas nang nangyayari ngayon. Kaso hindi naman alam ni G na may gusto si Z kay C, and si C, mukhang mas type nya talagang itong si G.

Hay. Pag-ibig nga naman...

No comments:

Popular Posts