Kahapon ay binigyan ako ng bulaklak ni Tenantz. Isang malaking himala ito. Bihira mangyari ito. At ang nakakatuwa pa dito, nung Huwebes pa raw niya ito binili, at tuwing niloloko ko sya kung bibigyan niya ako ng Valentine gift, e sabi nya, bakit daw sya magpapaloko sa isang overhyped na holiday? Which is wrong...kasi hindi naman holiday ang Valentine's.
So kahapon ay binigyan ako ng bulaklak. At kahapon din, nagpasabog ang Abu Sayyaf ng bomba sa Davao, sa Gen San, at sa Makati.
Pinasabog ang isang mall sa General Santos City, isang bus depot sa Davao, at isang bus sa Makati. Nakakagulat, nakakalungkot. Sa Makati ako nagta-trabaho. Marami akong kaibigan na nagta-trabaho sa Makati. Mga inosenteng tao, na wala naman galit sa mga Muslim at walang paki-alam sa Abu Sayyaf.
"The defenders of Islam have struck again," sabi ng Abu Sayyaf spokesman.
Nakakalungkot. Walang katapusan ang pag-aaway at paglalaban-laban alang-alang sa matinding paninindigan sa relihiyon. Sabi nga nila, pag relihiyon o pulitika ang pinagtalunan, wala nang katapusan yun. Wala nang solusyon, dahil lahat ng nakikipagtalo, tama.
"We will not stop until we get justice for the countless Muslim lives and properties that you people have destroyed." -- Abu SayyafNakakalungkot na sa araw ng mga puso, hindi pag-ibig ang umiral. Ang umiral ay kapootan at pagkamuhi.
My teammate Simon said it best in his blog: "Let us all remember that while violence begets violence, we all have the power to sever that gruesome chain."
No comments:
Post a Comment