The Marlboro Adventure Team
Yung mga application forms para sa Marlboro Adventure Team, inaabot sa mga bars, sa mga convenience stores, at sa kung saan saan pa. Ako mismo, hindi ako naabutan ng form. Si Tenantz ang naabutan ng form nung bumili sila ng yelo sa 7-11. Ang teammate kong si Sheila naabutan rin ata ng form, binigay rin nya sa akin nung nag-team building kami sa bahay nila.
Hindi ko masyadong pinansin yung application form. Interesado kasi ako sa raffle eh. May kasamang raffle entry form instructions yung binigay sa akin, at syempre gusto ko rin manalo ng kung ano-anong cool items, tulad ng mga motor, jacket, etc. Ano ngayon kung di ako marunong mag-motor.
Pero di ko pinapadala yung mga entries. Ilang linggo rin atang nandun lang sa bag ko yung application form. Nung paalis na ako papuntang Costa Rica at Toronto, dali-dali kong finill-up yung application form, at pina-mail ko pa sa kasambahay ko. Malapit na kasi mag-deadline ng pag-submit eh, at hindi na aabot kung aantayin ko pang bumalik ako galing sa business trip.
Pre-Screening
Habang nasa Toronto ako, tumawag yung Leo Burnett, yung nagha-handle ng screening at phone interviews ng mga aplikante. Nung una, ayaw kong sagutin yung cell phone ko. Hello, naka-roaming ako. Naka-charge sa kin pag may tumawag no! Pero naisip ko, baka importante. Sige na nga. So nung sinagot ko, ininform ako ng tumawag na napili raw ako, at kailangan ko mag submit ng mga pictures at iba pang impormasyon. I-email ko daw ang picture at copy ng passport at drivers license. Naku, nagka-problema pa ako. E, wala naman akong makitang scanner sa Toronto office no. Tumawag pa ako sa front desk ng hotel, tinanong ko kung may scanner sila. Wala daw. So naisip ko, bahala na. Next week na lang po, sabi ko. Kailangan na raw this week, sabi ng girl. Pero sige, eventually pumayag din sya. Pero first thing next week daw. Okay, tamang tama, next week uwi na ako ng Manila.
Buti na lang may scanner sa office sa Manila. Hehe. Pagka-uwi ko galing Toronto, medyo tinatamad pa ako pumasok eh. Pero naisip ko, naku, kailangan mag-scan ng passport at drivers license, kailangan pumasok ng opis! So ayun, pumasok nga ako. Kailangan din daw ng picture, eh nag-cut-and-paste na lang ako ng picture mula sa mga ibang photos dati. Kung titingnan mo nga yung full-body shot picture na pinadala ko, may kamay pang naka-akbay sa balikat ko. Di ko na na-photo-shop eh.
Phone Interviews
Pagkatapos ng ilang araw, tumawag ulit yung MAT. Marami silang tinanong, tulad ng "Marunong ka bang mag-bike, mag-swim, mag-motor, mag-tricycle, etc." Akala ko nga di ako kukunin, di naman ako marunong mag-motor. Semplang ako agad dun. =p Laking gulat ko na lang nung tumawag ulit sya makalipas ang ilang araw. Pasok daw ako sa Top 50. Pwede raw ba ako mag-leave sa April 12-16 para mag-camp sa Tagaytay at mag-stay sa Manila Penninsula? Sige! =)
Follow-Ups
So okay na ako diba. Pero pagkatapos ng ilang araw, tumawag ulit sila. Sigurado raw ba ako. Uhmm...alam mo naman kung tinatanong ka ng mga ganun klaseng tanong. Nagdadalawang isip ka. Pero sige, sabi ko, sure ako! Siguro mga 3 beses din silang tumawag para tanungin kung sigurado ako. Tapos kailangan pa raw mag-psychological test. Friday ang last day ng psych test, buti na lang wala yung boss ko nung araw na yun at walang team meeting. Nag-psych test ako nung hapon ng Biyernes, at medyo nabwisit ako sa kakulitan ng mga test questions. "Do you see things others cannot see?" "Do you hear voices?" "Do you feel everything is conspiring against you?" Paulit-ulit na lang yung mga tanong. Naku, ang sarap sagutin na, oo! Sira ulo ako! Tigilan nyo na itong pagtatanong! =)
May face-to-face interview pa pagkatapos ng psych exam. Sabi nung nag-interview sa kin, ako palang daw ang babaeng na-interview nya. Naku, medyo nag-ring yung mga warning bells sa utak ko. Parang ayoko na ah. Makayanan ko kaya ito? Tapos nung nag-research pa ako sa web, parang controversial itong event sa US. Bawal kasi sumali ang US citizen, dahil labag ito sa anti-smoking stance nila. Kung kaya't naghahanap sila ng mga participants mula sa iba't ibang bansa para sumali sa Marlboro Adventure Team.
------------------------------------------
THE MAT Philippine Finals
April 12-16, 2005
Manila Peninsula/Tagaytay
------------------------------------------
Freebies
Hanggang nung Tuesday na kailangan mag-register sa Manila Penn, di pa rin ako sigurado. Pero naisip ko nga, kelangan gawin ko to, kung hindi, parati kong iisipin, "what if". Pwede naman ako mag-backout midway kung di ko talaga gusto. So ayun, nagpunta akong Manila Penn at natuwa ako nung makilala ko yung first friend ko sa MAT -- si Jennifer! At ang daming freebies! May hiking bag, sleeping bag, tent, beltbag, etc. Astig! Magagamit ko lahat yun! At overnight stay pa sa Penn ha...the best. :) Freebies pa lang, solve na ako!
Maya-maya nakita ko pa si Ian, yung isang kasama ko rin mag-row. Tapos nandyan din pala si Wowie at si Leo, mga kasama naman sa frisbee. Nung unang gabi, medyo magulo lang nga, kasi binubuo ng mga organizers yung mga teams (5-man teams), at shuffle sila ng shuffle ng members. Di kasi nila naayos beforehand. Pero after that, okay naman. Nag-swimming pa kami sa pool bago matulog.
Wednesday
Wednesday morning, pagkatapos ng hearty buffet breakfast sa Penn, dumirecho na kami ng Tagaytay. Nag-setup dun ng camp, at nung hapon ay tinuruan kami mag-drive ng 4x4 jeep at ng quad bike (ATV). Parang motor daw ang ATV, buti na lang may apat na gulong ito kung hindi, semplang agad ako. =)
Thursday
More ATV and 4x4 driving. Tapos nag-Tyrolean Traverse din kami, pero sa mababang lugar lang. Minsan nadi-dismaya ako. Medyo mapolitika ang paligid. At parati akong tinutukso. Sabay ang puti-puti ko pa at mukha lang daw akong magma-mall. Sabi nga nung isang taga-Power Up na nag-setup ng course, ako raw ang pinusta nyang iiyak sa mountaineering at rappel eh. Hehe, di lang nila alam na yun lang nga kaya kong gawin eh.
Friday
Ang swerte ko talaga! Nagkaroon pa ako. Ito pa naman yung araw kung saan magswi-swimming kami at mountain climbing. At nauna pa ang swimming ah. Buti na lang may pagkakataon magpalit ng damit. Nung gabi, may campfire ulit.
The Team
Bonding talaga yung mga 50 participants. Masayang experience sya. At marami ka talagang makikilala, mula sa iba't ibang lugar, at iba-ibang mga background.
Saturday
May send-off party sa Le Pavillion sa may Roxas Blvd. Ito yung culmination ng event, kung saan ia-announce na kung sino yung 5 pupuntang Moab. Ang tagal rin naming nag-antay na mag-umpisa yung program. Tapos nung kumakanta na yung mga performers, di rin kami pwedeng pumasok o manuod. Dun lang kami sa labas, nag-aantay. Nung pumasok na kami, ako yung unang inannounce dun sa lima. Gulat pa ako, kasi yung introduction ng host, "The first man on the team..." O, e de syempre expect ko naman na lalake yun no. Tapos medyo nabingi pa ako. Number 31 kasi ako, tapos ang pagkarinig ko sa announcement eh Number 21. Gulat na lang ako nung pinagtutulak tulak na lang nila ako. Ako pala yun! Haha. Isa itong "i won, i won" moment.
Ayon sa article, "The competitions listed on the MAT menu included driving all-terrain vehicles and 4x4s; swimming some 200 meters and boat-flipping in noontime heat; two-hour trekking, orienteering and mountaineering on arid weather; and arguably the toughest challenge of all -- rappelling down 250 feet off a vertical rock cliff. "
And yes, walang prize money. Sabi nga dun sa flyer, "There are no winners. You just get to do it again". So here's to two weeks of camping in the Moab deserts.
No comments:
Post a Comment